赛派号

遥控器电池什么型号 Kara David, Sandra Aguinaldo pareho ng opinyon pagdating sa relasyon ng journalism at social media

Article Inside Page Showbiz News Kara Did, Sandra Aguinaldo Alamin kung ano para kina Kara Did at Sandra Aguinaldo ang relasyon ng journalism at social media sa isa't isa.

Hindi maipagkakaila na naging malaki ang epekto ng social media pagdating sa pagsisiwalat ng balita. Ngunit para sa mga batikang broadcast-journalist na sina Kara Did at Sandra Aguinaldo, ito ay isang bagong plataporma na kailangan gamitin para sa katotohanan.

Sa pagbisitia nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 26, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Kara at Sandra kung kamusta ang co-existence ng broadcast journalism at ng social media.

Pag-amin ni Kara, lahat sila sa mainstream o legacy media ay natakot sa pagpasok ng social media.

“Parang may mindset na 'Ah, mababaw lang 'yan, Tiktok lang 'yan.' Pero we realized na 'yung social media is just another platform for the truth. So bakit hindi rin natin i-pollute or pasukin din 'yung social media if it's another platform to reach your audience?” sabi ni Kara.

Dagdag pa ng batikang broadcaster at documentary host, isa sa mga tinuturo niya sa mga estudyante ng journalism ay kung papaano hindi kailangan magbago ang prinsipyo ng journalism kahit pa nagbago ka ng plataporma.

“Kung papaano mo ikinukwento ang katotohanan sa TV, sa radyo, sa dyaryo, ganu'n din dapat sa Tiktok, sa Instagram, sa Facebook,” sabi ni Kara.

Samantala, inamin naman ni Sandra na noong una ay sa Twitter (ngayon X) lang siya pumasok noon dahil mas news-oriented umano ito kesa sa ibang social media platforms.

“Nakita ko some sort of a resistance na rin na, 'Teka, maraming tao ang naniniwala sa Facebook, sa Tiktok.' Du'n sila kumukuha ng news. Kaya pumasok na rin ako du'n,” sabi niya.

Wika pa ni Sandra ay gusto niyang bigyan ng alternatibong source ng balita ang mga tao.

Aminado naman si Kara na isa mga advantage ng social media ay mas mabilis ito sa legacy media. Ngunit paalala niya, “Hindi ibig sabihin na porque mabilis ka, dapat hindi ka na mag-fact check.”

Dagdag naman ni Boy, “Hindi nangangahulugan na mabilis ka, totoo. Kaya dapat, mapanuri tayo bilang mga mamamayan dahil hindi nangangahulugan na nabasa mo ay totoo.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGBABALA TUNGKOL SA FAKE SOCIAL MEDIA PAGES SA GALLERY NA ITO:

版权声明:本文内容由互联网用户自发贡献,该文观点仅代表作者本人。本站仅提供信息存储空间服务,不拥有所有权,不承担相关法律责任。如发现本站有涉嫌抄袭侵权/违法违规的内容, 请发送邮件至lsinopec@gmail.com举报,一经查实,本站将立刻删除。

上一篇 没有了

下一篇没有了